
LUSOT na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang panukalang batas na nagsusulong ng bonggang multa sa mga nuisance candidates na hangad lamang ay magdulot ng kalituhan kung hindi man manggulo lang sa halalan.
Sa ialim ng House Bill 11317, papatawan ng P500,000 multa ang mangengengkoy lang sa halalan sa paraan ng paghahain ng Certificate of Candidacy sa hangaring lituhin ang mga botante o basagin ang boto ng iba.
Target ng naturang panukala amyendahan sa bisa ng pagpapalawak sa kahulugan ng katagang “nuisance candidate” na bahagi ng Omnibus Election Code of the Philippine (Batas Pambansa 881).
Pasok din sa HB 11317 ang mga naghain ng COC sa utos ng iba – kapalit ang pera.
Sa ilalim ng umiiral na Omnibus Election Code, ang nuisance candidates at yaong mga naghain ng COC upang sirain ang proseso ng halalan, magdulot ng kalituhan sa mga botante dahil sa pagkakapareho ng pangalan o apelyido nito sa ibang kandidato, at iba pang wala naman talagang intensyon na tumakbo.