SA dami ng mga mambabatas na kaladkad sa tinaguriang flood control scandal, tuluyan nang nawalan ng tiwala ang mga Pinoy sa mga miyembro ng Senado at Kamara.
Sa Pahayag survey na pinangasiwaan ng Publicus Asia Inc., lumalabas na dalawa sa 10 Pinoy ang diskumpyado sa karakas ng mga mambabatas.
Sa datos ng Publicus Asia, bumaba sa 24 percent (mula sa dating 28 percent) ang approval rating sa hanay ng mga miyembro ng senado. Samantala, dumapa na sa 20 percent ang gradong nakuha ng mga kongresista mula sa Kamara.
Kabilang rin sa mga sumadsad sa survey ang Department of Health (49% to 44%), Department of Trade and Industry (42% to 34%), Department of Transportation (42% to 37%), Department of Agrarian Reform (38% to 35%), Department of Finance at DEVDEP (dating NEDA) (35% to 31%).
Kapansin-pansin naman ang ng pag-angat sa tiwala at approval ng publiko ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na nakakuha ng 16 percent (mula sa dating 12%) approval rating. Bahagya rin umangat ang trust rating ng DPWH na nakapagtala ng 10 percent (mula sa dating 8%).
Ang survey na nilahukan ng 1,500 respondents ay isinagawa noong Disyembre 7-10, 2025.
