NAMUMURO ang ‘lipat-bahay’ ng isang kontratistang nasa ilalim ng kustodiya ng senado, matapos maglabas ng warrant of arrest laban kay Curlee Discaya
Sa arrest warrant na inilabas ng isang korte sa Bulacan, inatasan ang mga law enforcement agencies na dakpin si Discaya kaugnay ng malversation of public funds kaugnay ng maanomalyang flood control project sa bayan ng Calumpit sa nasabing lalawigan.
Setyembre ng nakalipas na taon nang ipag-utos ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagpiit kay Discaya sa bisa ng contempt citation bunsod ng umano’y pagsisinungaling ng kontratista sa pagdinig sa tinaguriang flood control scandal.
Kasama sa inisyuhan ng warrant of arrest ang kanyang asawang si Sarah Discaya gayundin sina dating DPWH Engineers Brice Hernandez at Jaypee Mendoza, at pitong iba pa.
