HINDI sapat ang dada. Dapat sabayan ng gawa. Ito ang giit ni former Davao City Congressman Karlo Nograles kasabay ng paglalatag ng mga mekanismo para sa implementasyon ng youth education and development program para sa lungsod.
Para tiyakin ang magandang kinabukasan ng mga kabataang Dabawenyo, higit na angkop umano ang pagtataguyod ng mahusay na edukasyong susi para sa matinong trabaho, sapat na kaalaman para sa negosyo at iba pang kapakipakinabang sa katangian sa ikauunlad ng kabuhayan.
Ani Nograles, hindi angkop ipagkait ang yaman ng Davao City sa mga kabataan, kasabay ng giit na hindi dapat mapag-iwanan ang mga mamamayan sa paglayo ng yaman ng lokal na pamahalaan.
“If we want to make our city’s development more inclusive, meaning that families and communities benefit from the great wealth that we are generating, we need to make our young Dabawenyos better equipped so they could be employed in high-paying and stable jobs in various emerging industries,” mariing pahayag ni Nograles.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) kamakailan, lumalabas na pasok sa Top 10 ang Davao City sa talaan ng “Wealthiest Cities.”
“The blessings of the city should be felt by its people. Dapat walang maiiwan; dapat habang umaasenso ang Davao, umaasenso din ang Dabawenyo.”
Kaya naman inihayag din ng former chair ng Civil Service Commission ang kanyang plano na palawakin ang scholarship at training programs ng lungsod upang mas maging accessible sa young Dabawenyos ang edukasyon.
“Such support programs are necessary to give Davao City youth every fighting chance to have a better future. Investing in our youth is also an investment in our city.” aniya pa.
“Sino pa ba ang makikinabang sa pagbibigay ng training at educational opportunities sa kabataan, kundi mismo ang kanilang mga pamilya, komunidad, at ang ating siyudad. Having an educated and highly-trained pool of young workers will make Davao City an even more attractive investment destination,” dugtong ng long-time public servant.
Sa kanyang naging termino bilang congressman ng Davao City first district, aktibong isinulong ni Nograles ang scholarship programa kung saan libu-libong mag-aaral ang natulungan partikular para ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo gayundin ang pagkakaroon ng ninanais nilang technical/vocational training.
Si Nograles din ang isa sa may-akda ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act, o ang batas para sa libreng tuition at iba pang mga bayarin sa state at local universities and colleges.
“So investing in education is not just about improving individual lives—it is a proven strategy for building a more dynamic and forward-looking city, as it is a key driver of long-term urban development.” pagtatapos ng liyamadong kandidato bilang alkalde ng Davao City.
