ASAHAN ang mas madalang na buhos ng ulan mula sa kanlurang bahagi ng bansa sa napipintong pagtatapos ng Habagat, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Ayon kay Pagasa weather specialist Leanne Loreto, magsisimula naman aniyang maramdaman ang epekto ng northeast monsoon na higit na kilala sa tawag na Amihan sa huling bahagi ng Oktubre
Gayunpaman, nilinaw ni Loreto na hindi kasing lamig ang simoy ng hangin ngayong taon bunsod ng En Niño phenomenon.
“When we have the Amihan, the air is generally dry and cool. However, since we are currently experiencing El Niño, temperatures may not be as cold as those we experienced in previous years,” wika ni Loreto.
Paglilinaw ng Pagasa, posible pa rin ang buhos ng ulan lalo pa’t dalawang bagyo ang inaasahang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Oktubre.
Sa pagtataya ng weather bureau, makaapekto sa bansa ngayong buwan ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ), easterlies at low pressure areas.
