SA loob lang ng pitong oras, apat na magkakasunod na lindol na may lakas na magnitude 4.8 hanggang 5.7 ang yumanig sa lalawigan ng Sultan Kudarat, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PhiVolcs).
Sa datos ng PhiVolcs, naganap ang unang pagyanig dakong ala 1:05 ng madaling araw. Ang lindol na may lalim na 19 kilometro ay naramdaman sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao.
Ang mga naitalang Instrumental Intensities:
- Intensity IV: Lebak at Palimbang, Sultan Kudarat
- Intensity III: Norala, South Cotabato; Esperanza, Sultan Kudarat
- Intensity II: M’lang at Pikit, Cotabato; Maitum at Malungon, Sarangani; Tantangan, Koronadal City, Banga, Tupi, Surallah, Tampakan, at Sto. Niño, South Cotabato; Isulan, Columbio, at Bagumbayan, Sultan Kudarat
- Intensity I: Kadingilan, Bukidnon; Maasim at Alabel, Sarangani; Zamboanga City
Dakong alas 3:46 ng madaling araw naman naitala ang pangalawang pagyanig ng magnitude 4.8 na lindol.
Sa impormasyong ibinahagi ng ahensya, naramdaman ang Intensity III sa Lebak, Sultan Kudarat; Intensity II sa Norala, South Cotabato; at Intensity I sa Banga, South Cotabato at Palimbang, Sultan Kudarat.
Ilang minuto lang ang nakalipas, isa namang magnitude 5.1 na lindol ang naramdaman ng mga residente sa nasabing lalawigan.
Narito ang mga naitalang Instrumental Intensities:
- Intensity II: Surallah, Santo Niño, at Norala, South Cotabato; Esperanza, Sultan Kudarat
- Intensity I: M’lang, Cotabato; Maitum, Sarangani; Tantangan, Tupi, at City of Koronadal, South Cotabato; Bagumbayan at Isulan, Sultan Kudarat
Ang ika-apat na pagyanig na may lakas na magnitude 4.6 na lindol ay tumama sa Kalamansig, Sultan Kudarat Miyerkules ng umaga bandang 7:19 AM.
Narito ang mga naitalang Instrumental Intensities:
- Intensity IV: Lebak, Sultan Kudarat
- Intensity II: Norala, South Cotabato
- Intensity I: Banga, South Cotabato; Esperanza, Sultan Kudarat
Payo ng PhiVolcs sa mga apektadong residente, “suriin ang mga tahanan o gusali para sa anumang pinsala at manatiling mapagmatyag sa mga posibleng aftershocks. Maging kalmado ngunit alerto, mga kailian!” (LILY REYES)
