PARA sa Food and Drugs Administration (FDA) hindi katanggap-tanggap ang paggawa, pagpapakalat at pagbebenta ng mga pekeng gamot sa merkado.
Sa isang kalatas, hinikayat ng FDA ang Kongreso para bumalangkas ng batas na nagtutulak ng mas mabigat na parusa laban sa mga negosyanteng nasa likod ng mga pekeng gamot na posibleng ikasawi ng mga pasyenteng Pinoy.
Partikular na tinutulak ng FDA ang amyenda sa probisyong kalakip ng Republic Act 9711 hinggil sa baryang multa sa paggawa, pagkakalat at pagbebenta ng mga pekeng gamot.
Para kay FDA Director General Paolo Teston, dapat mas mabigat ang parusa kasama na ang pagpapakulong sa mga sangkot sa ilegal na aktibidad. Kabilang aniya ang paulit-ulit na paglabag ng mga kumpanya, sindikato at indibidwal.
Sa ilalim ng umiiral na batas, multa lang ang ipinapataw na parusa — P50,000 hanggang P5-milyon sa sandaling napatunayang totoo ang alegasyon.
Hirit ng FDA, ipasok sa kategorya ng “economic sabotage” ang Ipinasasama ng FDA sa batas ukol sa economic sabotage ang paggawa, pagkakalat at pagbebenta ng mga pekeng gamot. (JULIET PACOT)
