MAHIGIT isang linggo matapos mangamatay ang mga isda sa karagatan bunsod ng oil spill, dumulog ng saklolo ang hindi bababa sa 3,000 mangingisda sa pamahalaan.
Hirit ng grupong Pamalakaya, “long-term compensation” hanggat hindi pa ganap ang rehabilitasyon ng Bais Bay.
Kabilang sa mga apektado ng tigil kabuhayan bunsod ng oil spill ang mga mangingisda mula sa Bais City at Manjuyod sa lalawigan ng Negros Oriental.
Batay sa pagsusuri ng mga eksperto, lubahang apektado ang pangingisda dahil sa pagtagas ng ethanol sa North Bais Bay noong Oktubre 27.
Sa taas ng antas ng kontaminasyon, kabi-kabilang fishkill ang naganap sa malaking bahagi ng laot.
Gayunpaman, hindi pa matukoy ng Pamalakaya ang lawak ng epekto ng fishkill sa Borth Bais Bay. Anila, patuloy pa ang isinasagawang “assessment” ng local chapter na nakabase sa Negros.
Kinalampag na rin ng Pamalakaya ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at Department of Environment and Natural Resources para sa agarang rehabilitasyon ng laot.
Hiling pa ng grupo, panagutin ang Universal Robina Corporation.
