SA gitna ng kabi-kabilang imbestigasyon kaugnay ng flood control scandal, hindi dapat makalusot ang isa sa mga proyektong pinaniniwalaang nagdudulot ng pagbaha sa Maynila.
Sa isang pulong-balitaan, partikular na tinukoy ni Bicol Sara partylist Rep. Terry Ridon ang kontrobersyal na dolomite beach sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa lungsod ng Kamara.
Ayon kay Ridon na tumatayong chairman ng House Committee on Public Accounts, nakatakdang simulan ng Kamara ang pagdinig sa dolomite beach project ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa muling pagbubukas ng sesyon sa Nobyembre.
Katunayan aniya, tukoy na ang mga DENR officials na padadalan ng imbitasyon para dumalo sa pagdinig.
“Very important yung dolomite project hearing po na ito kasi siyempre, it’s a question of overpricing, which is basically the question that we have today, of corruption in all infrastructure projects,” paliwanag ni Ridon.
“Secondly, it’s also a question of, mahalaga ba o importante ba, or kailangan ba yung ganito pong mga proyekto,” dugtong ng kongresista.
Batay sa nakalap na rekord ng kongresista, tumataginting na P389 milyon ang ginastos ng pamahalaan para sa proyektong naisakatuparan sa panahon ng nakalipas na administrasyon.
Ang implementing agency — Department of Public Works and Highways (DPWH). Hinugot naman ang pondo sa DENR.
“Was the dolomite beach project actually necessary, particularly because it was never part of the NEDA Masterplan for Manila Bay rehabilitation?”
