HINDI bababa sa 14 luxury cars na pinaniniwalaang pag-aari ng isang ni former Ako Bicol partylist Congressman Zaldy Co ang kinumpiska ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) matapos salakayin ang bahay ng puganteng kongresista sa Bonifacio Global City sa lungsod ng Taguig.
Ayon kay CIDG Director Major Gen Robert Morico II, pinasok ng mga operatiba ang bahay ng dating mambabatas sa bisa ng search warrant bunsod ng umano’y paglabag sa Republic Act 10863 (Customs Modernization and Tariff Act).
Target ng operasyon ang mga kumpanya na umano’y pag-aari ni Co na kinabibilangan ng Sunwest Construction and Development Corp., Eco Leisure and Hospitality Holding Company Inc., Misibis Resort and Hotel Management Inc., Jalandoni Alay Flora, at La Venezia Hotel and Spa Inc.
Kabilang sa mga sinamsam sa operasyon ang isang Rolls Royce, Toyota Sequoia, Cadillac tatlong Escalade, isang Lexus Sport Plus, at Mercedes-Benz na may kabuuang halagang P145 milyon.
Hagip din ang isang Lexus Hybrid LM350h, Lexus LV 350, GMC Yukon Genau, at Ferrari. Hindi rin nakalusot sa mga pulis ang dalawa pang SUV — isang Toyota Fortuner at Toyota Sequoia na kapwa nakarehistro sa pangalan ni Co. (EDWIN MORENO)
