
MATAPOS sibakin sa pwesto ang hepe ng lokal ng pulisya ng lungsod ng Mandaluyong, dalawang iba pa ang nabistong gumagamit ng droga, batay sa kumpirmasyon ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, lumabas na positibo ang dalawang hindi pinangalanang non-commissioned officers matapos sumalang sa surprise drug test na isinagawa ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Sa datos na ibinahagi ni Fajardo, unang binulaga ng random test ng NCRPO ang mga opisyales na pinatawag sa lingguhang command conference sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City. Sa naturang drug test nagpositibo si Mandaluyong City police chief Col. Cesar Gerente na agad naman sinibak sa pwesto.
Pag-amin naman ni NCRPO spokesperson Lt. Col. Eunice Salas, tatlong random drug test na ang isinagawa sa Metro Manila.
Sa unang drug test na isinagawa noong Agosto 22 nagpositibo ang isa sa dalawang hindi tinukoy na non-commissioned officer, habang
Sa ikalawang surprise drug test nong ika-24 ng Agosto nalaglag si Gerente.
Nang magsagawa ng random drug test sa Manila Police District (MPD), nakitaan ng bahig ng droga ang isa pa.