INIHAYAG ng Bureau of Corrections na inilipat na ang 300 persons deprived of liberty (PDL) mula New Bilibid Prison sa Muntinlupa patungo sa Leyte Regional Prison sa Abuyog, Leyte nitong Martes.
Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr., layunin ng paglilipat na maibsan ang overcrowding sa Bilibid.
Bahagi rin aniya ang naturang hakbang ng mas malawak na plano bago isara ang pasilidad sa 2028.
Isinagawa ang paglilipat ng isang grupo ng 75 corrections officers, kabilang ang BuCor SWAT, medical personnel, at escort group na pinangunahan ni Chief Correctional Inspector Roberto Butawan.
Dagdag ni Catapang, bahagi rin ito ng reporma sa corrections system upang mapabuti ang kaligtasan at seguridad sa mga pasilidad.
Noong nakaraang buwan, 240 PDL ang inilipat sa Davao Prison and Penal Farm. (Lily Reyes)
