Ni LILY REYES
ANG dating mala-sardinas na sikip, ingay at init, ginhawa ang kapalit sa bagong Quezon City Jail sa Barangay Payatas kung saan dinala ang 364 presong kinabibilangan ng mga senior citizens at may karamdaman.
Sa kalatas ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), sinimulan na ang paglilipat ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) matapos ang pormal na ilipat ng pamahalaang lungsod ang pangangasiwa sa bagong piitan.
Para sa unang batch ng mga presong naglipat-bahay, personal na pinangasiwaan ni Quezon City Jail Warden Supt. Warren Geronimo at iba pang BJMP officials ang relocation ng sa bagong pasilidad na may lawak na 2.4 na ektarya.
Ayon sa BJMP, ang bagong Quezon City Jail sa Payatas ay may kakayahang kanlungin ang higit pa sa 3,000 PDLs mula sa lumang pasilidad.
Gayunpaman, nilinaw ni Geronimo na kailangan muna tapusin ang perimeter fence ng bagong city jail para matiyak sa seguridad ng pasilidad.
