Ni LILY REYES
BULILYASO sa mga listong kawani ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang tangkang pagpupuslit ng mga kontaminadong baboy na karga ng dalawang trak papasok sa Metro Manila.
Sa ulat ng BAI, huli sa magkahiwalay na checkpoint ang dalawang trak. Sa datos ng kawanihan, unang nasilat ang pagbiyahe ng 38 baboy gamit ang “recycled” na local shipping permit (LSP), habang timbog naman sa Malanday ang trak na sakay ang 11 baboy na nakitaan ng sintomas ng African Swine Fever (ASF).
Kasalukuyang isinasailalim sa ASF testing ang iba pang baboy na kinumpiska ng mga operatiba.
“BAI has increased the number of checkpoints in the north and south NCR to prevent the transport of sick pigs and chickens. Permits must be complete and genuine, otherwise, the animals will be immediately tested. If found positive for disease, the animals will be condemned,” saad sa isang bahagi ng kalatas ng BAI.
“The LGUs, BAI, and the National Meat Inspection Service (NMIS) are working closely to ensure that meat sold in our markets is safe and clean. Meat that has the NMIS seal is safe to consume.” pahayag ni Assistant Secretary for Swine and Poultry ng Department of Agriculture (DA) Dr. Dante Palabrica.
Garantiya ng DA, patuloy ang implementasyon sa paghihigpit sa pagbiyahe ng mga baboy lalo’t mabilis na lumalaganap ang banta ng ASF.
