SA kabila ng paglilinaw ni Public Works and Highways Secretary Vince Dizon, diskumpyado pa rin si Ombudsman Crispin Remulla sa nangyaring sunog sa tanggapan ng DPWH sa Quezon City kamakailan.
Para makatiyak, inatasan ni Remulla ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng sariling imbestigasyon sa insidenteng aniya’y posibleng pumasok sa kategorya ng arson.
Partikular na tinukoy ni Remulla ang sunog na tumupok sa DPWH Quezon City office — “I’m asking the NBI and the Bureau of Fire Protection to check if it’s arson. Kung ito’y sadyang sinunog o aksidente. Madali naman malaman kung arson yan eh,” wika ni Remulla sa isang panayam.
“Hopefully ay natural cause yan,” dagdag niya. “It’s disturbing that in a place like Quezon City eh masusunog yung records sa isang office na maraming investigation pa ang kinakailangang mangyari.”
Gayunpaman, tiniyak ng DPWH na walang dokumentong may kaugnayan sa imbestigasyon sa flood control projects anomaly ang nadamay sa sunog.

Karagdagang Balita
Scam hub sa Malate bistado, 39 arestado
ICI kinalampag, graft probe buksan sa publiko
Tanggapan ng DPWH sa Kyusi sadyang sinunog?