NANUMPA kay Makati Mayor Abby Binay ang bagong halal na opisyal ng 10 enlisted men’s barrio (EMBO) barangays — ang lugar na apektado ng pinag-aagawan na lupa sa Makati at Taguig.
“A total of 140 newly elected barangay chairpersons and council members (kagawads), and SK chairpersons and kagawads from Cembo, Comembo, East Rembo, Pembo, Pitogo, Post Proper Northside, Post Proper Southside, South Cembo, West Rembo and Rizal opted to be sworn in by the Makati mayor,” ayon sa kalatas ng Makati City.
Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang Taguig government hinggil dito.
Noong Hunyo, ibinasura ng Supreme Court ang ikalawang motion for reconsideration ng Makati na kumokontra sa unang desisyon sa halos dalawang dekadang pag-aagawan sa teritoryo ng Taguig City at Makati sa Bonifacio Military Reservation. Kinabibilangan ito ng 10 EMBO barangay.
Sinabi ng Korte Suprema na kailangan pa ng Taguig City ng Writ of Execution mula sa korte bago nito makontrol ang 10 10 EMBO barangay.
Hiniling ni Binay sa regional trial court na mag-isyu ng Status Quo Ante Order, isang mosyon para manatili ang mga kaganapan matapos angkinin ng Taguig City at puwersahang kunin ang 14 EMBO public schools mula Makati.