PATULOY na lumalaki ang baryang nakokolekta ng Bangko Sentral ng Pilipinas gamit ang mga coin deposit machines na ikinalat sa mga matataong establisyemento sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan.
Batay sa pinakahuling abiso ng BSP, nasa mahigit P115 milyon na ang kabuuang halaga ng mga barya na nakolekta ng 25 coin deposit machines.
Nakapagtala na rin 42,386 na transaksyon ang mga coin deposit machines na nakalikom ng mahigit sa 44 milyong mga barya.
Plano naman ng BSP na dagdagan ang mga ikakalat na coin deposit machines sa hangaring mabawi ang mga anila’y “uncirculated legal tenders.”