LASUG-LASOG ang katawan nang matagpuan ang 60-anyos na lolang umano’y may ovarian cancer, sa ground floor ng isang condominium sa Quezon City nitong Huwebes ng gabi.
Sa ulat ng Police Station 3 ng Quezon City Police District (QCPD), bandang 8:51 ng gabi nitong Huwebes, nang matagpuan ang bangkay ng lola sa ground floor ng condominium sa BarangayTalipapa ng nabanggiot na lungsod.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ni Cpl. Romeo Base Jr., umalis ang babaeng anak ng biktima para kumain sa labas kaya naiwan mag-isang natutulog sa loob ng kanyang silid ang lola.
Makalipas ang ilang oras, isang residente sa unang palapag ng condo ang nakarinig ng malakas na kalabog sa likurang bahagi ng condominium.
Nang kanyang beripikahin, bumungad ang nakahandusay at duguang katawan ng biktima agasd na inireport sa mga guwardiya ng condo at maging sa lokal na pulisya.
Nakakita naman ang mga awtoridad ng suicide note sa lamesa mula sa biktima na nagsasaad ng… ’Tumalon ako sa balcon.”
Ayon sa pulisya, isa pang lalaking anak ng biktima na noong January ay na-diagnosed ang kanyang ina na may ovarian cancer at bipolar disorder nitong nakaraang Hunyo lamang.
Wala ng plano ang pamilya ng biktim a pa-imbestigahan ang insidente sa paniwalang sadyang winakasan na ng kanilang ina ang buhay nito dahil sa karamdaman. (LILY REYES)
