HAGIP ng closed circuit television (CCTV) camera ang isang pulis na nagpaputok kamakailan ng baril sa loob ng isang pribadong establisyemento sa lungsod ng Caloocan.
Sa Facebook post ng Philippine Defense Forum, hulicam ang pagpasok ng hindi pinangalanang pulis na nagtungo sa isang vape shop sa Maypajo ng nasabing lungsod. Ilang saglit pa bumunot ng baril at nagpaputok ang pulis na agad natukoy base sa personnel database ng pambansang pulisya.
Dinisarmahan na rin umano ang pulis na nahaharap sa kasong indiscriminate firing.
