HIGIT na mabilis kesa inaasahan ang pagsampa ng COVID-119 positivity rate sa National Capital Region (NCR), ayon kay Dr. Guido David ng Octa Research Group.
Sa datos ng Octa, nakapagtala ng ng mabilis na antas ng hawaan mula Abril 17 hangang 23 – higit na mataas kumpara sa 7.3% kumpara sa datos mula Abril 10 hanggang 16.
Para kay David, lubhang nakakabahala ang mabilis na pagdami ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 (base sa mga isinagawang pagasusuri) sa Metro Manila kung saan aniya doble sa itinakdang “threshold” ng World Health Organization (WHO) ang naitala.
“The NCR had an average of 3,120 tests per day (in April 2022 testing in the NCR was at 11k per day),” ayon sa Twitter post ni David.
Gayunpaman, naniniwala ang dalubhasang matematiko na wala pang dapat ikabahala ang publiko.
Ang kanyang dahilan – maluwag pa naman anoya ang mga pagamutan. Katunayan, nasa 21% pa lang di umano ang hospital utilization rate sa Metro Manila.
Sa ulat ng Department of Health (DOH), nasa 3,148 ang kabuuang bilang ng active cases ng nakamamatay na COVID-19 na naitala sa nakalipas na linggo – mas mataas kumpara sa 2,386 active cases mula Abril 10 hanggang 16.