MAKALIPAS ang siyam na buwang pananatili sa kustodiya ng senado, lipat-bahay na ang contractor na si Curlee Discaya sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng mga nabistong ghost projects sa lalawigan ng Bulacan.
Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), inaresto su Discaya sa bisa ng mandamiento de arresto na inilabas ng Bulacan Regional Trial Court Branch 20.
Isinilbi ng CIDG ang arrest warrant kay Discaya Lunes ng umaga sa detention facility ng senado.
Batay sa warrant, ipinag-utos ang pagdakip kay Discaya para sa kasong malversation kaugnay ng tinaguriang flood control scandal. Walang inirekomendang piyansa ang husgado para sa akusado.
