HINDI na muna magkakabisa ang dagdag-sahod para sa mga manggagawang nakabase sa Metro Manila, ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Francis Tolentino.
Gayunpaman, nilinaw ni Tolentino na bahagya lang mauusad ang petsa ng implementasyon sa National Capital Region (NCR). Imbes aniya sa Hulyo 19, ipatutupad ang unang bahagi ng umento sa Hulyo 25.
Base sa NCR Wage Order No. 27 noong Hulyo 9, kabuuang P85 ang magiging dagdag sa daily minimum wage. Gayunpaman, hahatiin sa dalawang bigay ang umento — P60 muna ang ipatutupad sa Hulyo 25, habang ang kapupunan na P25 ay inaasahang ibibigay sa Enero 20 ng susunod na taon.
Ayon kay Tolentino, naantala ang paglabas sa mga “publication” ng NCR Wage Order No. 27 dahil sa bagyo.
