PALAISIPAN sa mga motorista ang ipinamalas na special treatment ng mga operatiba ng Department of Transportation (DOTr) sa dalawang sasakyan na pumasok sa exclusive bus lane sa kahabaan ng EDSA.
Ayon sa mga saksi, pinalusot ng DOTr – Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTR-SAICT) ang dalawang sasakyan – kabilang ang isang SUV na galing di umano sa Chinese Embassy.
Batay sa video na idinokumento ng DZBB, may blinker ang mga sasakyan habang binabagtas ang EDSA bus lane noong nakalipas na Biyernes, Abril 19 ng kasalukuyang taon.
Sa ulat ng DZBB, nagpakilalang mga taga-Armed Forces of the Philippines (AFP) ang convoy ng SUV. Wala din umanong plaka ang isa sa dalawang sasakyang hindi man lang inisyuhan ng traffic violation citation ticket.
Giit naman ng traffic enforcer, may coordination sa DOTr ang mga naturang sasakyan.
Sa bisa ng direktiba ng Pangulo, mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng blinker, wangwang at iba pang flashing devices.
