
Ni LILY REYES
WALANG puwang sa lipunan ang pambabastos kanino man, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaugnay ng inilabas na show cause order laban sa jeepney driver pwersahang nagpababa ng kanyang pasahero.
Ang di umano’y dahilan ng jeepney driver – masyadong mataba ang pasahero kaya sumabog ang gulong ng minamanehong sasakyan.
Sa direktiba ng LTFRB, inatasan humarap ang hindi pinangalanang tsuper at ang operator na nagmamay-ari ng pampasadang sasakyan.
Partikular na tatalupan ng LTFRB ang viral video na kumalat sa social media kung saan may nakitang paglabag ang tsuper sa Republic Act 11313 na mas kilala sa tawag na Safe Spaces Act.
Batay sa reklamo ng 29-anyos na pasahero, sapilitang pinababa – sa harap ng maraming tao – ng tsuper ang pasaherong dahilan di umano kaya dumapa ang gulong ng minamanehong jeep
“Failure on your part to appear before this Board on the date mentioned above shall be considered as a waiver on your part to be heard and this case shall be decided on the basis of the evidence presented and the records of the Board,” nakasaad sa direktiba ng LTFRB.