SINAMPAHAN na ng kaso ng Quezon City Police District (QCPD) ang dating pulis na nakunan sa aktong nanakit sa isang siklista bunsod ng alitan sa trapiko noong Agosto 8 ng kasalukuyang taon
Ayon kay QPCD chief Brigadier General Nicolas Torre III, kasong alarm and scandal ang inihain sa piskalya laban kay Wilfredo Gonzales kaugnay ng viral video na aniya’y gagamiting ebidensya para iddin sa kaso ang dating kabaro.
Ang tumayong complainant – apat na tauhan ng QCPD Galas Police Station.
Muling pinabulaanan din ni Torre na tumulong ang mga pulis sa aregluhan nina Gonzales at ng siklista, kasabay ng giit na ginampanan lamang ang kanilang tungkulin nang idulog sa kanilang tanggapan ang kaso.
Karagdagang Balita
ECOWASTE: WAG IDAMAY MGA PUNO SA PANGANGAMPANYA
NCRPO CHIEF KINAPON SA REKLAMONG KOTONG
DENGUE ALERT: METRO MANILA PASOK NA SA CRITICAL LEVEL