TULUYAN nang binusalan ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent na kumaladkad sa pangalan ng Pangulo sa kalakaran ng droga.
Katwiran ng komite na pinamumunuan ni Senador Ronald dela Rosa, patuloy pa rin ang pagbibigay ng salaysay na pawang napatunayang lihis sa katotohanan hinggil sa kontrobersyal na PDEA Leaks.
“The former PDEA investigation agent Jonathan Morales appeared to have flipped-flopped on his answers,” saad sa kalatas ng komite ni dela Rosa
Sa pagdinig ng Senado, partikular na inungkat ni Senador Jinggoy Estrada ang personal data sheet na isinumite ni Morales sa PDEA noong nag-aapply pa lang para mapabilang sa ahensya.
Sa isang bahagi ng pirmadong PDS, idineklara di umano ni Morales sa isinumiteng dokumento na hindi pa siya sumabit sa anumang asunto – bagay na pinasuningalingan ni Estrada.
Ayon kay Estrada, may mga patunay na hindi lang basta kaso ang kinasangkutan ni Morales. Katunayan pa aniya, napatunayan na siyang nagkasala.
