MAGPAPAKALAT ng mas maraming K9 unit sa mga istasyon ng ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Light Rail Transit (LRT) sa Metro Manila bilang kapalit ng mga X-ray machine, ayon sa Department of Transportation (DOTr).
Ininspeksyon ni DOTr Secretary Vince Dizon ang Philippine Coast Guard (PCG) K9 Facility sa Clark, Pampanga para suriin ang mga bomb-sniffing dog bago ang kanilang pag-deploy.
Una nang sinabi ni Dizon na makakatulong ang tuluyang pagtanggal ng mga X-ray scanner sa lahat ng istasyon ng MRT-3 upang mabawasan ang siksikan sa pila.
Magkakaroon din umano ang mga istasyon ng tren ng mga CCTV camera na may artificial intelligence (AI).
Ito ay bilang bahagi ng mga hakbang para mapabilis ang daloy ng pila nang hindi isinasakripisyo ang kaligtasan at seguridad ng publiko, dagdag pa ng DOTr.
