SA loob lamang ng 24 oras, tuluyan nang umapaw ang nakaimbak na tubig sa La Mesa Dam bunsod ng mabigat na buhos ng ulan na dala ng Habagat at bagyong Neneng. Para tiyakin ang kaligtasan ng mga residente sa mga mababang lugar, ipinag-utos na rin ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang agarang paglikas matapos pumalo sa 80.15 metro ang level ng tubig sa La Mesa Dam. Kabilang naman aniya sa mga apektadong lugar ang mga komunidad sa kahabaan ng Tullahan River,. Sa talaan ng lokal na pamahalaan, pasok sa talaan ng mga tinututukan ang Fairview, Forest Hills, Quirino Highway, Sta. Quiteria at San Bartolome. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Mag-anak agaw-buhay sa pagsabog ng LPG tank