AGAW-buhay sa pagamutan ang tatlong miyembro ng pamilya matapos sumabog ang LPG tank sa loob ng paupahang apartment sa Barangay Bagbaguin, Valenzuela City. Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nangyari ang insidente dakong alas-9 ng umaga. Nagtamo ng matinding pinsala ang ama at dalawang anak sa mabilis na pagkalat ng apoy mula sa sumabog na LPG tank. Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng BFP sa hangaring matukoy ang sanhi ng pagsabog. Samantala, muling nagpaalala ang BFP na iwasan magsindi ng apoy kapag may naamoy na LPG. Kung ligtas, isara ang LPG tank, buksan ang mga bintana at pinto, lumikas agad at tumawag sa BFP o gas supplier para humingi ng tulong. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Gobernador para sa Metro Manila hirit ng kongresista