PORMAL nang sinimulan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang pagsusuri at paghahanda sa planong libreng Wi-Fi sa lahat ng istasyon at tren sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3). Sa isang kalatas, sinabi ng DICT na ang naturang inisyatiba ay bahagi ng Free Wi-Fi for All (FWFA) Program katuwang ang Department of Transportation (DOTr) at MRT-3 management sa pagsasagawa ng initial groundwork. Layunin anila ng proyekto bigyan ng libreng internet connection ang libo-libong pasahero ng MRT-3 araw-araw. Una nang inanunsyo ni DICT Secretary Henry Aguda na plano ng ahensya unahin ang mga istasyon na lagyan ng libreng Wi-Fi. Gayunpaman, nilinaw ng ahensya na palalawakin kalaunan ang libreng Wi-Fi t hanggang sa loob ng tren. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Makati off-limits na sa 10 EMBO barangays – RTC Korte babawian ni Abby pag naging senador?