PAIIGTINGIN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang panghuhuli sa mga lumalabag sa batas trapiko kasabay ng pagbabala sa mga motorist na patuloy na gumagamit ng EDSA bus carousel.
Umapela na rin ang MMDA sa Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang makiisa sa kampanya.
Isang taxi driver ang nakitang gumamit ng EDSA Bus Carousel at naharangang ang daanan ng mga bus matapos bumaha sa EDSA northbound lanes malapit sa Gate 3 ng Camp Aguinaldo in Quezon City noong Setyembre 23.
Dalawang oras nahinto ang daloy ng trapiko matapos mabarahan ng plywood at malaking bago ang drainage system sa lugar.
Sa kanyang liham, sinabi ni MMDA chair Romando Artes na kailangang maparusahan ang iresponsableng driver dahil sa ginawa at pagbalewala sa mga traffic signs.
Hiniling din ni Artes sa LTO at LTFRB na parusahan ang mga motorist na sadyang sinasagasaan ang mga MMDA traffic enforcer na humuhuli sa mga pasaway sa EDSA.
“The driver of the subject vehicle is a menace on the road, having no regard for the safety of the fellow motorists, including persons on the road such as traffic personnel,” ayon pa sa liham ni Artes.
Paulit-ulit nang nagpapaalala ang MMDA na walang pribadong sasakyan ang maaaring gumamit ng EDSA bus caraousel lane dahil ito ay naka reserba para sa bus at emergency vehicles.