November 5, 2024

saksipinas

Palaban, Walang Kinikilingan

Pilantropo Jeanly Lin swak sa mga Batang Nova

PARA sa mga tinaguriang Gen-Z ng Barangay San Bartolome sa Novaliches, Quezon City, higit na angkop ibigay ang pamumuno sa mga kandidatong may integridad, sinceridad at kakayahang tumugon sa oras de peligro.

Batay sa non-commissioned survey na pinangasiwaan ng Eidiya Research Group sa hanay ng mga kabataang edad 15 hanggang 30-anyos mula sa Barangay San Bartolome, nakapagtala ng pinakamalaking awareness rating ang bagitong si Jeanly Lin na nakasungkit ng 89%.

Nasa malayong ikalawang pwesto naman ang katunggaling si Judielyn Francisco na mayroon lamang 75%.

Sa kategorya ng preference (napupusuan), nanguna pa rin si Jeanly Lin na umani ng 50% sa random survey na nilahukan ng 500 kabataang botante sa naturang barangay. Sa nasabing bilang, 54% ang mula sa hanay ng mga kapwa niya babae.

Nasilat din ni Lin ang unang pwesto sa kategorya ng “most preferred SK chairperson” sa lahat ng antas ng lipunan (socio-economic class).

Gayunpaman, may 22% ng mga respondents ang wala pang malinaw na pasya sa kandidatong iboboto para sa SK election.

Sa pagpili ng kursunadang iluklok bilang SK chairman, inilahad ng mga respondents ang dahilan sa pagpili sa bagitong si Lin. Anila, mas epektibo ang mga programa para sa kabataan kung pamumunuan ng isang sanay makisalamuha sa lansangan.

Higit na kilala si Lin sa kawanggawa, libreng edukasyon at regular na feeding program sa kasagsagan ng pandemya hanggang sa naglabas ang Commission on Elections (Comelec) ng mga panuntunan alinsunod sa Omnibus Election Code.

Nang pulsuhan ang mga kabataang respondents sa usapin ng prayoridad, mayorya sa mga lumahok sa survey ang nagsabing edukasyon ang pangunahing pangangailangan ng mga kabataan sa Barangay San Bartolome.

Anila, dapat tugunan ng SK sa naturang barangay ang pagbabalik-eskwela ng mga kabataang napilitan huminto sa pag-aaral dahil sa dinaranas na kahirapan ng pamilya.

Bukod sa edukasyon, pasok din sa talaan ng prayoridad ng mga napulsuhang kabataan ng Barangay San Bartolome ang sports program bilang mekanismo kontra droga.

Bago pa man sumabak sa pulitika, mahigit isang taon siyang naging bahagi ng isang private foundation na nagkakaloob ng scholarship program sa mga kabataan ng nabanggit na pamayanan.