INAALAM ng Department of Justice (DOJ) ang report sa umano’y panggigipit ng dayuhang namumuhunan sa bansa sa ilang Filipino subcontractors kasunod ng pagsasampa ng maraming kaso ng swindling laban sa ilang opisyal ng global telecommunications firm.
Nabatid sa 29-pahinang reklamo na isinampa sa National Prosecution Office na walong Manila-based Ericsson Telecommunications Inc. ang nahaharap sa kasong estafa sa pagtangging bayaran ng may P54 milyon para sa 32 kumpletong proyekto sa Luzon sa pa lamang.
Nabatid na ang mga nasubang Pinoy na hindi pa pinapangalanan ay tapos na sa technical work sa system integration, structured cabling, civil works, at electrical services para sa mahabang listahan ng mga proyekto sa mall, ospital, business centers at eskuwelahan mula 2020 hanggang 2023. Handa naman umano ang DOJ na resolbahin ang sinasabing kadalasan nang nangyayari sa mga ‘con artists’ na nagtatago bilang ‘foreign investors’.
Inatasan ng DOJ ang mga ‘foreign investors’ na sundin ang Republic Act 5455, na naglalayong magbigay ng tamang ambag sa pagsulong ng kompanya.
At habang pinahihintulutan na ng batas ang 100 porsiyentong pag-aari na ng mga dayuhan ng telecom firms matapos ratipikahan ang RA11659, hindi kailanman legal ang swindling.
Dahil dito, ang mga abusadong foreign investor ay kailangang managot kapwa sa aspetong sibil at criminal.
Mayroon din umanong ‘reciprocal clause’ sa niratipikahan na pipigil sa dayuhang imbestor sa pagkakaroon ng maraming share sa kritikal na imprastraktura maliban na lamang kung ang kanilang bansa ay may kasunduan ng katulad sa Pilipinas.
Sa kaso ng Sweden, ang mga Filipino ay maaari nang mag may-ari ng kompanya roon.
Kinilala ang mga respondent sa kasong kriminal sa sina Martin Wiktorin, Jesmin Ehsan, Johan Kvist at Wee Tiong Ng.
Kinasuhan din ng estafa sina Emerson Clemena, Jose Michael Hernal, Charis Heidi Ibarra at Roderick Reodica – lahat ay may tanggapan sa Ericsson sa Bonifacio Global City office sa Taguig City.
Nagpahayag naman ang administrasyon na walang puwang sa bansa ang mga dayuhang negosyante na nanloloko sa mga Filipino sa mismong teritoryo ng mga ito.
