TALIWAS sa paandar ng gobyerno, hindi pa rin tuluyang napupuksa ng pamahalaan ang sindikato sa likod ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO). Sa isang operasyon, arestado ang 76 dayuhan, kabilang ang 74 Chinese nationals matapos sakalayin ang sentro ng illegal POGO hub sa Barangay Socorro sa Cubao, Quezon City. Batay sa impormasyong ibinahagi ng Bureau of Immigrations (BI), Oktubre 12 nang pasukin ng mga operatiba ang isang establisyemento matapos makatanggap ng tip hinggil sa mga “undocumented Chinese nationals.” Nang makapasok, tumambad ang santambak na dayuhan habang nagsasagawa ng online scamming. Kasalukuyang isinasailalim sa inquest proceedings ang mga arestadong banyaga para sa kasong paglabag ng Anti-POGO Act of 2025. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation 3 binatilyo todas sa Kyusi, binaril ng bata ni Mayor