MAHABA-HABA pa ang sagupaan sa pagitan ng pamahalaan ng mga offshore gaming operators sa kabila ng direktibang POGO ban mula mismo sa Palasyo.
Sa Pasay City, bistado sa Philippine Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang guerilla-style POGO operation sa isang gusali kung saan ikinulong umano ang mga dayuhang empleyado.
Ayon sa PAOCC, pinasok ng mga operatiba ang sentro ng illegal POGO operations sa bisa ng warrant na inilabas ng husgado. Ang resulta – dakip ang dalawang Chinese nationals habang 34 Indonesian nationals naman ang nasagip mula sa pinaniniwalaang dormitoryo para lang sa mga empleyado ng hindi tinukoy na kumpanya.
Pag-amin ng PAOCC, hindi mabibisto ang illegal POGO operation kung hindi pa nakapagpalusot ng rescue request ang ahensya mula sa isa sa 34 na Indonesian nationals.
Sa pakikipag-ugnayan ng PAOCC sa Indonesian Embassy, natunton ang sentro ng operasyon kung saan sapilitang pinagtatrabaho bilang scammers ang 34 Indonesian nationals.
Kasalukuyang nasa PAOCC Custodial Facility ang dalawang Chinese nationals habang inihahanda ang isasampang kaso.
