DALAWA katao ang kumpirmadong namatay matapos makulong sa nasusunog na bahay sa bandang Malibay sa lungsod ng Pasay, ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP).
Batay sa paunang impormasyon ng BFP, kabilang sa mga nasawi ang isang senior citizen at apong kasama sa bahay. Bukod sa dalawang nasawi, patuloy ang paghahanap ng mga bumbero sa isa pang umano’y missing.
Samantala, may ilang residente rin ang nagtamo minor injuries tulad ng first-degree burn at sugat sa paa matapos sumiklab ang sunog sa kahabaan ng Esteban Street dakong alas 4:30 ng madaling araw kanina.
Tuluyang naapula ng mga bumbero ang sunog dakong alas 7:20 ng umaga kanina. Inaalam pa ang dahilan ng sunog.
