SINALAKAY ng kapulisan ang isang condominium unit na umano’y ginagawang prostitution den ng dalawang Chinese nationals at isang Pinoy na kasabwat sa Pasay City.
Itinatago ang prostitusyon na sinasabing models ang mga babae na ipinopost ng mga suspect sa kanilang FP messenger.
May mga nakasulat ditong Chinese characters, na paraan umano para maibenta ang mga babae sa mga Chinese national.
Nagkakahalaga ang bawat transaksyon mula P4,000 hanggang P16,000.
Tumutuloy ang mga babae sa condominium sa Pasay City, at dito rin makikipagkita ang mga ito sa kanilang mga kliyente.
Labing tatlong Pinay ang nasagid sa raid. Narekober din ang mga cell phones na ginagamit sa kanilang online transactions.
Nadiskubre ng Department of Information and Communications Technology – Cybercrime Investigation and Coordinating Center (DICT-CICC), ang illegal na aktibidad sa lugar.
“There were some reports kasi if a lot of text blasting coming from this area, hinanap natin kung nasaan. Dito natin nakita ‘yan,” ani Assistant Secretary Mary Rose Magsaysay Deputy Executive Director (DICT-CICC).
Nagawa namang matunton ito ng Presidential Anti-Organized Crime Commission, at madiskubre ang nangyayari sa naturang condominium.
“As part of the evidence na gagamitin natin dito, of course, ‘yung mga transactions na nakuha natin, and then ‘yung mga usapan sa mga chat groups nila. Almost 100% ng mga nagca-cater dito sa prostitution den na ito ay karamihan Chinese,” sinabi ni Undersecretary Gilbert Cruz, Executive Director, PAOCC.
Sasampahan ng kasong human trafficking ang tatlong naarestong suspect.