
Ni Lily Reyes
INATASAN ni Quezon City Police District (QCPD) P/BGen Redrico Maranan ang kaniyang mga tauhan na magsuot ng facemask bunsod ng volcanic smog o vog mula sa Taal Volcano na kasalukuyang nakakaapekto sa ilang mga lalawigan kabilang ang Metro Manila.
“It is therefore of paramount importance that we ensure the health and safety of all our residents during these environmental challenges,” batay sa inilabas na statement ni Maranan.
Dahil dito, pinapaalalahanan ng QCPD chief ang publiko na magsuot ng facemask lalo na kapag lalabas para maiwasan ang anumang sakit na maidulot nito.
“At sa atin pong mga pulis, you are required to wear facemasks at all times, lalong lalo na ang mga nakadeploy sa mga chekpoints, ganun din ang mga nagpapatrolya sa kalsada. Ito ay isang preventive measure upang mabawasan ang pagkakalantad sa mga nakakapinsalang gas na maaaring magdulot ng mga panganib sa kalusugan,” payo ni Maranan.
Payo naman ni Maranan sa mga makakaranas ng mga sintomas tulad ng iritasyon sa mata, ubo, o anumang problema sa kalusugan na maaaring kaugnay sa pagka-expose s sa volcanic smog na agad na makipag-ugnayan sa QCPD Health Service Hotline- 8921-2906 para sa mga gabay at karagdagang mga tagubilin.