MATAPOS ang halos na anim na taon, tuluyan nang hinatulan ng korte ang dalawang Chinese nationals na nasa likod ng pagpupuslit ng droga sa bansa. Sa desisyon ng Pasay City Regional Trial Court Branch 116, habambuhay na pagkakakulong ang sentensya ng husgado laban sa dalawang hindi pinangalanang dayuhan na may-ari ng 240 kilong shabu na nasabat sa Cargo Terminal ng Ninoy Aquino International airport noong Oktubre 2020. Bukod sa parusang kulong, inatasan din ng korte ang mga Tsino na magbayad ng tig P2-milyong multa. Batay sa mga rekord ng korte, ang dalawang akusado ang tumanggap ng kargamento ng mga workbench table mula sa Malaysia, na dumating sa Philippine Skylander Incorporated (PSI) International Cargo Terminal sa NAIA Complex, Pasay City noong Oktubre 2020. Samantala, binalaan ng Department of Justice (DOJ) ang iba pang dayuhan na magtatangkang magpasok ng droga sa bansa. “Magsilbi sana itong babala sa mundo na ang Pilipinas ay hindi ligtas na kanlungan para sa mga ilegal na droga, lalo na sa panahong ito ng ‘Bagong Pilipinas’ kung saan umiiral ang tuntunin ng batas sa lahat ng pagkakataon,” pahayag ni Justice Secretary Frederick A. Vida. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Sunog sumiklab sa Manila City Hall