
HINDI dapat palampasin ng Department of Transportation (DOTr) ang sindikato sa likod ng modus na higit na kilala sa tawag na “tanim-bala,” ayon kay Senador Grace Poe kaugnay ng panibagong insidente kung saan ng isang senior citizen ang nabiktima.
Bagamat pinasalamatan ni Poe, na dating chairman ng Senate committee on public services, si Transportation Secretary Vince Dizon sa pagsasagawa ng agarang imbestigasyon, higit pa aniya sa imbestigasyon ang dapat maging tugon ng DOTr.
“We welcome the swift action of DOTr Secretary Dizon on the ‘tanim-bala’ incident. As the investigation proceeds, we hope assistance could be extended to the 69-year-old victim of this disturbing cas,” ayon kay Poe.
Para kay Poe, hindi dapat mangyari sa inosenteng manlalakbay ang trauma at problemang kagagawan umano ng ilang tiwaling airport personnel na sa halip na tiyakin ang kaligtasan ng mga manlalakbay ay nagsisilbi pa ngayon bilang mga bantay-salakay.
“Concerned authorities must not allow this defanged scheme to make a comeback to pester passengers anew. The recent “tanim-bala” incident as claimed by a 69-year-old passenger is disturbing,” giit ni Poe.
Aniya, dapat may managot sa insidente sa pangambang magpapatuloy ang modus kung hindi kikilos ang departamento laban sa panggigipit sa hanay ng mga pasaherong tanging hangad ay maayos na paglalakbay.
“Concerned authorities must get to the bottom of the incident. They must not allow this defanged scheme to make a comeback to pester passengers anew,” pahabol ng senador. (ESTONG REYES)