PORMAL nang nanumpa si Police General Nicolas Torre III bilang bagong general manager ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), isang hakbang na inaasahang magpapalakas sa pamumuno at pagpapatupad ng mga programa ng ahensya sa Metro Manila.
Sa isang anunsyo, kinumpirma ng Palasyo ang oath-taking na pinangasiwaan ni Executive Secretary Ralph Recto.
Pinalitan ni Torre si Ret. Colonel Procopio Lipana sa nasabing posisyon.
Bago pa man itinalaga sa pwesto bilang MMDA general manager, nagsilbing si Torre sa Philippine National Police (PNP) sa loob ng mahabang panahon. Ang kanyang huling asignatura — hepe ng pambansang pulisya.
Gayunpaman, agad na sinibak si Torre bilang PNP chief matapos bunsod ng hidwaan kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla.
Kumbinsido naman ang Palasyo na malaking bentahe sa MMDA si Torre na may mahabang karanasan sa pagpapatupad ng batas at natatanging liderato. (LILY REYES)
