November 5, 2024

saksipinas

Palaban, Walang Kinikilingan

Ekonomiya sisipa sa trabahong dala ng local sardines industry

Ni Jam Navales

SA lawak ng karagatan ay saganang marine resources, kumbinsido si AGRI partylist Rep. Wilbert Lee na higit na angkop na pagyamanin at palakasin ang local sardines industry na tiyak na makapagbibigay ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.

Bukod sa trabaho, malaking bentahe rin aniya ang ambag ng naturang industriya sa ekonomiya.

Ginawa ni Lee ang pahayag sa kanyang pagdalo sa 6th National Sardines Industry Congress and Trade Exhibit, kung saan ipinunto ng kongresista ang kahalagahan ng pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng gobyerno at private sector sa paglikha ng industriyang makatutulong sa larangan ng economic development at food security.

“We have the fifth longest coastline in the world, and the bounty of our seas is one of our country’s greatest resources,” diin ng AGRI partylist lawmaker.

“Our challenge is how to sustainably maximize our marine resources so that our people can reap its economic rewards while ensuring that future generations of Filipinos can also benefit from Philippine waters. Kung magagawa natin ito, Winner Tayo Lahat, hindi lang ang kasalukuyang henerasyon kundi pati na rin ang susunod pang mga henerasyon,” aniya pa.

Ayon kay Lee, ang sardines industry at ang fishing industry ng bansa sa kabuuan ay may malaking potensyal sa aspeto ng employment generation at food security, 

“(These) two issues that concern every Filipino, especially the poor. Kung may trabaho at mura ang pagkain, nakakakain ng sapat ang pamilyang Pilipino. Kaya importante ang mga pagtitipon na ito kasi napapag-usapan kung paano natin mapapalago ang industriya ng sardinas para mas marami ang pwedeng makinabang sa ating mga kababayan.”

Sa kasalukuyan, tinatalakay na di umano sa House Committee on Agriculture and Food ang kanyang inihaing National Marine Culture Program Bill at ang “Blue Economy” Bill, na kapwa naglalayong palakasin ang fishing industry ng bansa.

Samantala, tiwala naman ang Bicolano lawmaker na mapapalakas ang local fishing dahil ang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang bagong kalihim ng Department of Agriculture (DA) na si Secretary Francisco Tiu Laurel ay galing mismo sa fishing industry.