TINUMBASAN ng kastigo ng Philippine Stocks Exchange (PSE) ang pagmamatigas ng kumpanyang pag-aari ng mucho-dinerong Dennis Uy na higit na kilala sa pagiging malapit kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kalatas ng PSE, pinagbawalan munang lumahok sa stock trading ang Phoenix Petroleum Philippines Inc. dahil sa kabiguan makapagsumite ng annual report ng kumpanya sa kabila pa ng pinalawig na deadline.
Bukod sa Phoenix Petroleum, kabilang rin sa mga pinatawan ng suspensyon ang DFNN Inc., TKC Metals Corp., Manila Jockey Club Inc., MJC Investments Corp., at IPM Holdings Inc.
Alinsunod sa listing and disclosure rules ng PSE, obligadong magsumite ng taunang financial report ang lahat ng kumpanyang nakikipagkalakalan ng stocks bilang gabay sa mga nagnanais mg-invest sa mga tinatawag na publicly-listed corporations.
Sa ilalim ng termino ng dating Pangulo bumulusok nang husto ang mga negosyo ni Uy na tubong Davao tulad ni Duterte.
Bukod sa Phoenix Petroleum, nagawang pumasok ni Uy sa mga negosyong may kinalaman sa enerhiya, komunikasyon at logistics.