
SINO? Ito marahil ang isisigaw ni Arnold Clavio sa DZBB kung malaman niyang meron anak ang isang sikat na broadcast journalist kung umasta ay prima donna sa Palasyo.
Sabi ng ating Seksing Saksi nasa gilid ng Pasig river, meron sariling tsuper at EA (as in executive assistant) yung anak ng sikat na broadcaster mula sa Region 1, pero hindi naman daw Genuine Ilocana, Deo Macalma.
Ang siste Jun Burgos, yung EA ng prima donnang anak ng sikat ng broadcast journalist ay tagapayong kapag mainit o maulan, maliban sa tagahawak ng signature bag.
Tama nga Congressman Jonathan Dela Cruz at Rolly Gonzalo, nakakabain met! Hirit tuloy ni Arkhon Antolin: anya nagan ti balasang?
Daig pa nga ang ilang kalihim ng Gabinete ni PBBM, pero syempre hindi magpapalayo kay First Lady Atty. Lisa Araneta-Marcos ang asta ng hija ni broadcaster na dating estudyante ni former Undersecretary Ike Gutierrez sa Lyceum, pero friendly kay Tatay Nene Pimentel.
Mabalik tayo sa kasong kinakaharap ni Congressman Arnie Teves kaugnay umano sa pagpaslang kay Governor Roel Degamo.
Karapatan naman ng kampo nila Congressman Teves na umalma di ba San Sebastian College of Law Dean Abraham Espejo matapos sabihin ni Justice Secretary Boying Remulla na ipapa-cancel ng Department of Justice sa Department of Foreign Affairs na pinamumunuan ni Secretary Iking Manalo sa oras na maisampa na ang demanda sa korte.
Sabi ng ilang mga eksperto sa foreign relations ang pagkakaroon ng pasaporte ay maituturing na isang pribilehiyo at hindi isang karapatan. Bakit kamo Senator Francis Tolentino? Di ba Ambassador Victoria Bataclan ang Philippine Passport ay kailangan i-surrender sa mga kawani ng pamahalaan tulad ng Department of Foreign Affairs kung kukunin nito. In other words, Congressman Teves is being a mere possessor of the Philippine passport owner by the Philippine Government.
Ito naman si Senator Bato Dela Rosa hihirit lang sablay pa! Meron bang nagbibigay ng advice sa kanya o talagang nabalot ng pulbura ang kanyang kokote? Naku kundi ka lang kamuka ni Kojak e naboljak ka na.
Baka nakalimutan ni Heneral Tobats na ang pangunahing papel ng Senado ay in aid of legislation at hindi patunayan beyond reasonable doubt ang dalawang pamilyang nagbabangayan.
Pagsabihan mo nga Macon Araneta at napaghahalata si Senator Bato.
Pero mga Seksing Saksi namin kumpadre’t kumadre e talagang kapansin pansin naman ang galaw ng media handler ni Congressman Teves sa pangunguna ni Bentot Ah sa placement ng mga balita at opinyon sa ilang mga media entities kasama ang social media.
Totoo ba Anjo Bagaoisan na binabantayan ng NUJP ang mga reporters, editors, columnists at influencers kaugnay ng kasong kinakaharap ni Congressman Teves?
Kelangan naman talaga di ba Charie Villa na magkaroon ng watchdog ang NPC at ang NUJP upang mapanatili na hindi amoy burak ng Manila Bay (na tinambakan ng Bentot ng dolomite) ang mga balitang lumalabas at nababasa ng taumbayan.
Totoo ba ang balita Louie Logarta at Per Taboy na umaapaw ang cold cash habang painit ng painit at nalalapit ang pag labas ng resolution ng Department of Justice kaugnay sa murder charges na isinampa ng PNP CIDG at ng pamilya ni Governor Degamo laban kay Congressman Teves?
Bayad news ang tawag ng ilang estudyante ni Dean Luis Teodoro sa Peyups di ba Dennis Legaspi?
Parang narinig ko si Rambo Labay ng RMN na hindi ganon mag-operate si Atty. Ferdie Topacio. Bakit kamo tanong ni Cherry Light? Halos 40% ng hinahawakan kaso ni Atty. Topacio ay pro bono o walang bayad. Tama ba ito o mali Vic De Leon Lima?
Kaya ang sigaw ni Booma kila Norelyn Temblor at Weng Salvacion — “Pasok!”