
BAGO pa man tumulak sa France para sa pinananabikang Paris Olympics, ginawaran ng tulong pinansyal ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) ang apat na atletang pambato ng bansa sa nalalapit na pandaigdigang paligsahan.
Ayon kay Deputy Speaker Antipolo City 1st District Rep. Roberto Puno na tumatayong pangulo ng ABAP, higit na angkop suportahan ang lahat ng mga atletang Pinoy – hindi lamang sa larangan boxing, lalo pa’t hindi na mabilang ang karangalang naibigay sa Pilipinas ng mga manlalarong sumabak sa iba’t ibang kompetisyon sa loob at labas ng bansa.
Ayon naman kay ABAB Secretary General Marcus Manalo, kabilang sa mga hinandugan ng tulong pinansyal ng ABAP sina Nesthy Petecio, Hergie Bacyadan at Aira Villegas sa larangan ng boxing at Samantha Kyle Lim Catantan sa larong fencing.
Nakatakda idaos ang Paris Olympics mula Hulyo 26 hanggang Agosto 11 ng kasalukuyang taon.