SA hudyat ng Commission on Elections (Comelec), ganap nang sumipa ang prosesong naglalayong punan ang bakanteng pwesto sa ikaapat na distrito ng Cavite sa bisa ng isang special election.
Gayunpaman, hindi pa nagpaparamdam ang mag-inang Barzaga na una nang napaulat na magsasagupaan para sa posisyon ng kongresista sa Kamara.
Sa pagbubukas ng tanggapan ng Comelec sa Cavite, unang nagsumite ng Certificate of Candidacy ang si Dasmariñas Vice Mayor Rex Mangubat.
Inaasahan din ng mga residente mula sa ikaapat na distrito ang paghahain ng kandidatura ni Dasmariñas Mayor Jenny Barzaga — gayundin ang kanyang anak na si Kiko Barzaga na pinatalsik ng Kamara noong nakalipas na Mayo bilang kongresista.
Paalala ng Comelec, hanggang Hulyo 17 lang ang Filing of Candidacy.
