DOBLE sakit ng ulo ang inabot ng isang heneral na pinadampot mismo ni Philippine National Police chief General Rodolfo Azurin Jr. matapos madawit ang pangalan sa kasong syndicated estafa.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na nakabase sa Bangsamoro Administrative Region in Muslim Mindanao (BARMM) si Brig. Gen. John Guyguyon na sinibak na rin bilang hepe ng PNP Bangsamoro regional police office.
Itinalaga naman bilang pansamantalang PNP-BARMM regional director si deputy director for administration Brig. Gen. Gil Francis Tria.
Miyerkules ng gabi nang dakpin sa bisa ng dalawang mandamiento de arresto na inilabas ng Quezon City Regional Trial Court kaugnay ng kasong syndicated estafa si Guyguyon sa loob mismo ng kanyang tanggapan sa Camp General Salipada K. Pendatun sa bayan ng Parang, lalawigan ng Maguindanao.
Walang piyansang inilaan ang husgado sa arestadong heneral.
Sa ulat ng CIDG kay Azurin, mapayapa naman anilang sumama ang heneral matapos ihain ang warrant of arrest.
Karagdagang Balita
LAND GRABBING BULILYASO: 23 SIKYU TIMBOG SA ANTIPOLO
13 CHINESE NATIONALS SILAT SA MINAHAN SA HOMONHON
GAS STATION SINALPOK, KOREANO TIMBOG