KASUNOD ng pagputok ng Bulkang Mayon, naglabas ng babala ang Department of Health (DOH) sa peligrong dulot ng ashfall sa kalusugan at kaligtasan ng mga mamamayan
Payo ng DOH sa publiko, magsuot ng N95-grade facemask, o gumamit ng basang tela para protektahan ang ilong at bibig para hindi malanghap ang alipato mula sa bulkan.
Nanawagan din ang ahensya sa publiko na umiwas sa paglapit sa Permanent Danger Zone ng bulkan dahil sa mataas na konsentrasyon ng nakalalasong usok.
Rekomendasyon ng kagawaran sa mga residente ng mga apektadong lugar, isara ang pinto at bintana, gayundin ang paglalagay ng basang tela sa mga siwang upang maiwasan ang pagpasok ng abo sa loob ng bahay.
Higit na angkop din anila ang pag-inom ng sapat na tubig upang manatiling hydrated at mabawasan ang epekto ng ashfall sa katawan.
Hinihikayat din ang patuloy na pag-antabaysubaybay sa mga abiso ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS at sa nakakasakop na lokal na pamahalaan.
Para sa agarang tulong, maaaring tumawag sa National Emergency Hotline na 911 at sa DOH Bicol hotline na 09928110733.
