MATAPOS ang paglabas ng mandamiento de arresto mula sa hukuman na nakabase sa Laguna, isang panibagong warrant of arrest ang inilabas naman ng Lipa City Regional Trial Court (RTC) laban sa kontrobersyal na gaming tycoon na si Atong Ang.
Ayon kay Prosecutor General Richard Anthony Fadullon ang panibagong warrant of arrest na inilabas ng korte sa Batangas laban kay Ang ay kaugnay pa rin ng patong-patong na kaso na inihain ng pamilya ng tinaguriang “missing sabungero.”
Base sa kopya ng warrant of arrest ng Lipa City Regional Trial Court Branch 13 na pirmado ni Presiding Judge Pamela Torres Chavez Izon, nahaharap si Ang sa mga non-bailable criminal cases kabilang ang six counts ng kidnapping with homicide.
Una nang itinuring na fugitive from justice o pugante si Ang dahil sa kabiguan lumantad para harapin ang santambak na asunto. (JULIET PACOT)
