ARESTADO sa mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang isang kagawad ng barangay sa ikinasang buy-bust operation sa sa Hinigaran, Negros Occidental.
Bukod sa 31-anyos na barangay kagawad na kinilala lang sa pangalan Pam, timbog din ang senior citizen na kasamang residente ng Barangay Garganto ng nasabing lokalidad.
Batay sa impormasyong ibinahagi ng PDEA na nakabase sa Negros Occidental, dakong alas 5:20 ng hapon nang ikasa ang buy-bust operation sa Sitio San Roque, katuwang ang Hinigaran Municipal Police Station.
Nasamsam sa operasyon ang dalawang plastic sachets ng shabu na tumimbang ng 10 gramo, buy-bust money na ginamit sa buy-bust operation at tatlong cellphone na umanoy ginagamit sa transaksyon.
Kasalukuyang nakapiit ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, na mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (LILY REYES)
